Live fat, die young.

Binibining Binbin

December 19, 2009

I have been meaning to attend the 9-day Misa de Gallo thread but then again, I failed. 

Ang dali-daling masira ng mga plano ko. Bakit kaya? Plinano ko na rin na hindi mag-absent sa aking mga klase, pero bigo pa rin ako. Hanggang ngayon determinasyon pa rin tuloy ang hinahanap ko. Yung isa ko pang planong gawin, hanggang ngayon nakabitin pa rin. Kung sinusundan mo, dear reader, ang blog ko, may isang plano o dalawa na yata ako rito na hindi ko pa rin nagagawa. Ito, baka gusto mong balikan:

As for the Moment -Sinabi ko dito na ipapamigay ko na yung mga tsinelas na hindi ko na ginagamit. Ano na bang update? Nakalagay na ang mgatsinelas sa plastic pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapamigay.

May isa pang blog na tinamad akong hanapin eh. Sabi ko, ang susunod na entry ay tatalakay kung gaano kadaming litro ng likido ang kayang dalhin ng bladder. Pero ano nangyari? Wala pa rin hanggang ngayon yung entry na yun. 

Haha. Loser. So far, yung plano ko na jogging, nagawa ko naman, kahit isang beses. Pwede ko na siguro yun ituring na redemption point.

Pokus. Pokus hokus pokus. 

I think my eyes were wandering too much, forgetting to keep sight of the goals. Kailangan ko muna magpunta sa doktor para ipaayos ang salamin at i-update na rin ang grado ko na palagay ko ay tumaas na. Pwede bang ito na lang ang ika-11 ko sa wishlist? Teka, mas bagay yata na nasa Need list ito kaysa Wish list.

 

 

 

Posted by livefatdieyoung at 11:40 pm | permalink

Previous Comments

tuwing mapapadaan ako, saktong may bago :p

sana magawa mo yung plano mong pagpunta sa doktor at magpaayos ng salamin. haha.

at yung plano mong jogging, IMO, di rin yun nagawa! :D ang plano mo ay magjogging regularly right? hmmm. 1 beses? hahaha :D

hi babs! :D

Posted by abs at December 20, 2009, 1:00 pm

Miss na kita. bakit hindi ka nagtetext? :)

Posted by livefatdieyoung at December 21, 2009, 10:20 pm

di nagloload, malapit na mag 1 buwan? haha! (ewan ko kung bakit hehe) di ka rin naman nagtetext eh :p

Posted by bats at December 22, 2009, 2:51 am

Add a comment