Live fat, die young.

Up up down down

February 10, 2010

How I wish I can move. Out. Out of here. Out of this house. Now. Once you are up there flying, site seeing then the next thing you’ll know, you’re crawling, rolling along the rough and sun-kissed pavement.

Araykupo.

 

Posted by livefatdieyoung at 12:29 am | permalink | Add comment

Teh hate post

February 8, 2010

There are so many reasons why I hate this one particular person who had always triumphed in taking away all the good vibes and spirit in me.

I needed this feel good song to feel better, way way better.

05-sausalito_foxtrot-everyday

Posted by livefatdieyoung at 11:38 am | permalink | comments[5]

E v e r y d a y or not

December 7, 2009

Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes Good vibes

Posted by livefatdieyoung at 8:42 pm | permalink | comments[2]

Ondoy (I hate you all moment)

September 29, 2009

Kahit ano yata ang hingin mo sa akin sa mga panahong ito, kung gagamitin mong dahilan si Undoy ay mahihirapan akong tumanggi.

Tulad ng nakasanayan na, (na hindi magandang gawain kaya pilit kong nilalabanan) ay nag-ra-rush na naman ako ng mga bagay na dapat matapos kanina bandang alas tres ng hapon. Abala akong nakatungo sa aking ginagawa nang biglang may sumulpot na bata sa pinto ng aming apartment at nanghihingi ng tsinelas. Pa-bida pa niyang itinaas ang paa sabay sabing “Ate, sira na ang tsinelas ko oh, baka pwede humingi ng tsinelas.” Walang pagdadalawang isip na pumunta ako sa salansan ng aking mga tsinelas at kumuha ng isang pares.

Ipagdadamot ko pa ba ang isang pares ng tsinelas na halos hindi ko rin naman nagamit? Sa higit sampung pares na nakasalansan sa lagayan, kahit yata ipamigay ko ang mga iyon ay ayos lang din sa akin. Ilang araw na rin akong nalulungkot sa tuwing makikita ko sa telebisyon ang mga marking iniwan ni Undoy sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Wala na ang mga ari-ariang matagal na ipinundar, tila nilamon ng putik at tubig baha noong kasagsagan ng pag-ulan. Pagkatapos nito, paano magsisimula ang mga pamilyang nasalanta? Kung pagkain sa araw araw habang nasa mga uvacuation center ay problema na, paano pa ang kawalan ng magagamit man lamang para ibalik sa normal ang lahat.

Malaki ang problema ko sa acads pero mas higit na nangangailangan ang aking mga kababayan.

Sira ang mga kabuhayan, walang negosyo, wala lahat. Ngayon mas higit na kinakailangan ng mga tao ang suportang maibibigay ng mga pabidang mukha na lagging nakabandera sa telebisyon para ipangalandakan ang kanilang mga nagawa. Isa itiong perpektong pagkakataon upang ipakilala ang sarili. Isa ito sa mga tinatawag na make or break situation na isa sa matitibay na batayan ng taumbayan sa magiging desisyon sa nalalapit na eleksyon.

Segue tayo. Noong nakaraang lingo ay nakatakda kaming magbigay ng teambuilding seminar sa samahang ng mga mandaragat sa Paete. Ngunit dahil sa bagyo ay hindi ito natuloy.  Ayon sa aming guro, malamang ay hindi na rin maging epektibo ang team building lalo pa’t may mga sariling problema na iniisip ang bawat mandaragat na malubhang naapektuhan ni Undoy. Sa halip na team building at isang outreach program na lamang ang aming inihahanda. Higit sa ano pa mang requirements na kadikit ng gagawin naming ito, mas nangingibabaw ang aking kagustuhan na tumulong. Sa dami ng dumaang bagyo at sakuna, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng kagustuhan na tumulong. At natutuwa ako dahil mayroon akong pagkakataon na isagawa ito. May kung anong hindi ko maunawaan, pero ang point, basta gusto ko tumulong.

Una ko ng nilapitan si Mayor, pero malamang ay may mga projects na rin siyang inoorganisa kaya malabo na rin na makapagbigay pa sila. Sinubukan ko ring kumatok kay Cong. San Luis. Sa ngayon ay wala pang pinal na sagot pero hindi nauubos ang pag-asa ko na makapagbibigay sila (sa kabila ng dahilan nila na nakapagbigay na raw sila sa aming munisipalidad at wala daw silang stock ng goods sa kasalukuyan).

Nakakataba ng puso ang mga kaibigan naming hindi nagdalawang isip na mangalap ng mga donations na ipamimigay namin sa darating na Linggo. Gagayahin ko ang litanya ni Ma’am Pam: My heart swells with joy. Ipinapaabot ko ang aming pasasalamat sa mga nagbigay ng tulong.

Sana ay makaipon pa kami ng maraming donation.

Tawag o text lang kayo sa akin para sa anumang donasyon.

09154388727

Pwede rin namang e-mail: txi_villanueva@yahoo.com

Posted by livefatdieyoung at 10:29 pm | permalink | comments[2]

Had a bad bad bad. Hmpf, ayaw ko na.

July 27, 2009

Ayaw ko naman talaga kumain ng amplaya. Minsan sa mga niluluto sa bahay, hindi maiwasan na mapatikim o mapakain ng pagkain na may halo nito. Ano bang choice ko? Wala. Syempre bawal maarte. Kahit anong nasa lamesa eh dapat kainin. Kaya yung mga pagkain na katulad ng pinakbet, syarsado, kinakain ko kahit may ampalaya. Konsolasyon na lang na hindi ko kinakain ng buo yung mga hiwa ng ampalaya.

 Hay. May nangyari sa akin noong isang linggo. Malala. Hindi naman ako kumakain ng amplaya eh, pero napagkamalan akong nagtatangkang tumikim dito. Ni hindi ko pa natitikman ang pait, inakusahan na agad akong dumighay sa kabusugan. Ang harsh lang. Bakit hindi nyo muna tiningnan kung may bakas ako ng ampalaya sa ngipin? Ni hindi nyo inamoy kung amoy ampalaya ang hininga ko. 

Bitter ako. Kasing bitter ng ampalaya mo. Yuck. This post is kadiri. But I am not deleting anyway.

Posted by livefatdieyoung at 6:15 pm | permalink | Add comment