Live fat, die young.

March 25, bakit ang tagal mo?

March 10, 2010

I miss Damon Salvatore.


 Btw, he’s better seen on screen.

Posted by livefatdieyoung at 9:11 am | permalink | comments[4]

Wrapping 2009

January 18, 2010

Since I will surely find it hard to devote time to accomplish this, I have decided to do it little by little, step by step, month by month. I wanted to recount the things that mattered in the past year. I intended to include in this post all this cloud nine moments as well as the worsts.

Lezz start!

JANUARY 

December 28, I have acquired my newest toys. Hello Tonyo and Pinko! I think, they camejust in time for my to document every event in my 2009. Happy year ahead! Though the year starter predictions weren’t that favorable, I believe I still had a blast!

Here is the annual New Year party @ Nanay and Tatay’s

   

The kids hit the kitchen in place of the traditional firecrackers.

 

Posted by livefatdieyoung at 10:53 pm | permalink | Add comment

Ang Past Ko

December 12, 2009

Belat. Naintriga ka ba? Oo na, misleading na ang title ng entry na ‘to.

Ngayon lang ata ako gagawa ng Christmas wish list sa buong buhay ko. Ngayon pa kung kailan ni hindi pa nga maramdaman ang Pasko. Eh ano naman diba, hindi naman dahil sa mga dumating na bagyo at kalamidad, ibig sabihin ay hindi na tayo pwede mag diwang ng Pasko. Pasko pa rin naman, siguro sa medyo kakaibang paraan lang. 

Last year medyo productive ako (o pwede rin namang dahil excited lang ako sa work, sumweldo, magshopping at magbigay ng regalo. hehe). Ngayong taon hindi ko yata yon magagawa. But who knows :)

1Gusto ko ng libro na good read

2Colored pens! Gusto ko ng kumpletong set ng colored markers and pens. Para sa makulay na 2010.

3Bagong laptop case ni Tonyo

4Doraemon spoon and fork

5Plain shirts

6Cardigan / Jacket

7Relo! (Urgent ‘to haha!)

8Sariling electric mixer.

9Shok shoks. Maraming shok shoks para sa buhok

10PLEASANT SURPRISE

 

Ang hirap din pala mag-isip ng ganito. Dahil na rin siguro ito sa hindi talaga ako mahilig mag request ng mga bagay bagay. Masarap pa rin makatanggap ng surprise nalang. Tingin ko mas risky pero may mas malaking tsansa na mas sumaya kasi wala kang anumang inaasahan.

Merry Christmas in two weeks!

Posted by livefatdieyoung at 10:30 pm | permalink | comments[2]

Habang nilulunod ang sarili sa Fit & Right

July 12, 2009

Ngayong gabi, hindi ko alam pero mataas ang serotonin level ng aking katawan. Magaan ang pakiramdam, masaya at parang lumulutang-lutang. Na-miss ko lang ata ang bahay, dahil nung nakaraang linggo ay bumalik na ako sa Lb Sabado pa lang. Pinag-iisipan ko rin, baka dahil lang ito kay John Mayer at sa kaisa-isang kanta niya na pinakinggan ko ngayong gabi.

Kanina, bago ako matulog nang nakatagilid, nakabaluktot, nakayakap at nakadantay sa unan habang balut na balot ng kumot, kumain ako ng Cadbury at saka uminom ng calamansi iced tea. Galing ata sa chocolate yung kasiyahan ko kaya ako nagkaganito. Pero napag-isip-isip ko, ang saya lang talaga maging masaya. (Hiwalay ito sa argumento ng kaibigan ko na minsan ay natatakot maging masaya dahil sigurado raw siya na may hindi magandang mangyayaring kasunod. Parang pambalanse ba, Yinyang, Karma, Newton’s Law na in every action, there is an equal, opposite reaction.) Pero sa tingin ko naman, depende na lang yan sa kung paano haharapin ang mga hindi kaaya-ayang pangyayari sa buhay. Part na yun eh. Ngingiti na lang ako. At kakain marahil ng Cadbury Milk Chocolate tapos matutulog ulit nang nakatagilid, nakabaluktot, nakayakap at nakadantay sa unan habang balut na balot ng kumot.

Teka, napalayo na. Ang sinasabi ko, ayokong isipin na tanda ito ng pagtanda–ang pagiging masaya sa mga simpleng bagay tulad ng good food, sweet sleep at pamilya. Masaya lang talaga ako. Na-miss ko lang ang bahay, at gusto kong tumakas sa pag-aaral, kahit pansamantala lang (Kaya ipinagpabukas ko na rin ang paggawa ng reviewer.) Hindi ako rin ako cheesyng tao. Minsan lang.

Sa gawing kaliwa ko, terrace ng bahay namin. Kuya, Kuya Jep, at Moby (Asawa ni pinsan) ay nag-iinom ng cerveza. At hindi pa man lang sila tumatayo mula sa kinauupuan nila para magwiwi. How come? Sa kalkulasyon ko, yun bang dami ng bote nung alak nila eh sapat para mapuno ang bahay-wiwi nila. Hmm. Hahanapin ko ang sagot, at yan ang topic ng aking susunod na entry.

Posted by livefatdieyoung at 1:44 am | permalink | comments[2]