BV Frdy.
December 4, 2009What is with today that I practically felt down and gloomy? I dunno. But there’s one particular point when I felt light and happy — my five-minute walk from Star to our apartment. It was all good and cool taking steps while Jason Mraz is banging through my ears with his “There’s no stopping us”. After that, that same old unwanted feeling reverberated.
Ondoy (I hate you all moment)
September 29, 2009
Kahit ano yata ang hingin mo sa akin sa mga panahong ito, kung gagamitin mong dahilan si Undoy ay mahihirapan akong tumanggi.
Tulad ng nakasanayan na, (na hindi magandang gawain kaya pilit kong nilalabanan) ay nag-ra-rush na naman ako ng mga bagay na dapat matapos kanina bandang alas tres ng hapon. Abala akong nakatungo sa aking ginagawa nang biglang may sumulpot na bata sa pinto ng aming apartment at nanghihingi ng tsinelas. Pa-bida pa niyang itinaas ang paa sabay sabing “Ate, sira na ang tsinelas ko oh, baka pwede humingi ng tsinelas.” Walang pagdadalawang isip na pumunta ako sa salansan ng aking mga tsinelas at kumuha ng isang pares.
Ipagdadamot ko pa ba ang isang pares ng tsinelas na halos hindi ko rin naman nagamit? Sa higit sampung pares na nakasalansan sa lagayan, kahit yata ipamigay ko ang mga iyon ay ayos lang din sa akin. Ilang araw na rin akong nalulungkot sa tuwing makikita ko sa telebisyon ang mga marking iniwan ni Undoy sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Wala na ang mga ari-ariang matagal na ipinundar, tila nilamon ng putik at tubig baha noong kasagsagan ng pag-ulan. Pagkatapos nito, paano magsisimula ang mga pamilyang nasalanta? Kung pagkain sa araw araw habang nasa mga uvacuation center ay problema na, paano pa ang kawalan ng magagamit man lamang para ibalik sa normal ang lahat.
Malaki ang problema ko sa acads pero mas higit na nangangailangan ang aking mga kababayan.
Sira ang mga kabuhayan, walang negosyo, wala lahat. Ngayon mas higit na kinakailangan ng mga tao ang suportang maibibigay ng mga pabidang mukha na lagging nakabandera sa telebisyon para ipangalandakan ang kanilang mga nagawa. Isa itiong perpektong pagkakataon upang ipakilala ang sarili. Isa ito sa mga tinatawag na make or break situation na isa sa matitibay na batayan ng taumbayan sa magiging desisyon sa nalalapit na eleksyon.
Segue tayo. Noong nakaraang lingo ay nakatakda kaming magbigay ng teambuilding seminar sa samahang ng mga mandaragat sa Paete. Ngunit dahil sa bagyo ay hindi ito natuloy. Ayon sa aming guro, malamang ay hindi na rin maging epektibo ang team building lalo pa’t may mga sariling problema na iniisip ang bawat mandaragat na malubhang naapektuhan ni Undoy. Sa halip na team building at isang outreach program na lamang ang aming inihahanda. Higit sa ano pa mang requirements na kadikit ng gagawin naming ito, mas nangingibabaw ang aking kagustuhan na tumulong. Sa dami ng dumaang bagyo at sakuna, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng kagustuhan na tumulong. At natutuwa ako dahil mayroon akong pagkakataon na isagawa ito. May kung anong hindi ko maunawaan, pero ang point, basta gusto ko tumulong.
Una ko ng nilapitan si Mayor, pero malamang ay may mga projects na rin siyang inoorganisa kaya malabo na rin na makapagbigay pa sila. Sinubukan ko ring kumatok kay Cong. San Luis. Sa ngayon ay wala pang pinal na sagot pero hindi nauubos ang pag-asa ko na makapagbibigay sila (sa kabila ng dahilan nila na nakapagbigay na raw sila sa aming munisipalidad at wala daw silang stock ng goods sa kasalukuyan).
Nakakataba ng puso ang mga kaibigan naming hindi nagdalawang isip na mangalap ng mga donations na ipamimigay namin sa darating na Linggo. Gagayahin ko ang litanya ni Ma’am Pam: My heart swells with joy. Ipinapaabot ko ang aming pasasalamat sa mga nagbigay ng tulong.
Sana ay makaipon pa kami ng maraming donation.
Tawag o text lang kayo sa akin para sa anumang donasyon.
09154388727
Pwede rin namang e-mail: txi_villanueva@yahoo.com
Ay tinamad na ulit mag-blog
August 25, 2009
Itong entry na ito ay bunga lamang ng over sleeping at katamaran.
Hindi ko pa rin nauumpisahang gawin ang paper na i-susubmit sana bukas. Ang sarap kaya matulog. Incomplete pa ang notes ko sa Devc 120. May exam pa pala ako bukas, hehe.
Anyway, since walang pasok nung Friday, nagdiwang na naman ako para sa maraming araw ng pahinga. Pero nung Friday, sa aming observation activity sa Paete, kahit nakakapagod, kasama ko naman mga kaibigan ko, masaya na rin. Nadala ko pa sila sa Paete. At kumain ng fulfilling tanghalian sa bahay. Hindi pa rin nawawala ang karisma ng pagkain sa banana leaf. Hehe J
Hmm, sa development works, kung wala kang pera, hindi mo maiiwasan na hindi makipag negosasyon sa mga pulitiko. Isa siguro ito sa mga dahilan kung bakit mahirap talagang ihiwalay ang sector pulitika sa pagdadala ng pagbabago sa mga tao. Ang nakakalungkot rito, kapag nababahiran ng dumi ang intension ng pagtulong. Bilang pulitiko na kinikilala at iginagalang ng mga mamamayan, sa tingin ko hindi na kailangan pang ibandera ang mukha sa publiko lalo na kung maliit lang naman ang populasyon ng taong sangkot, maliban pa sa katotohanang alam naman ng mga taong ito kung sino ang nasa likod ng pagtulong. Hindi na rin siguro kailangan pa ng special treatment . Kung matino ang iyong pag-iisip, bilang pinuno, hindi ikaw ang kailangan hanihin, mas tama yata na ikaw ang umabot at sumiguro sa maayos na kalalagayan ng iyong mga tao. Hindi naman manhid yang mga yan, yun nga lang makakita ng pulitiko ay hindi na magkandatuto kung paano sila aasikasuhin eh. Ayaw ko nang mag elaborate, tinatamad nako. Dapat isinulat ko ito agad nung fresh pa ang isyu. Indifference level reached. Taliwas ito sa drive ng karamihan na patayin ang social apathy, sorry na. Hmm, naisip ko, magwowork siguro sa akin kung gagawa ng immediate action para sa mga bagay bagay kaugnay ng personal na kampanya laban sa pagka-walang pakialam.
Masama rin ang epekto ng tsismis. Nakakainis. May mga isyung lumalala dahil sa pagsasalin salin ng salita at dahil sa mga taong tagahanga ng usapang punumpuno ng kontrobersya. Bakit ba ganyan? Oh no. Hehe. Tigilan na at walang madudulot na kaiga-igaya. Stappit.
May hinihintay akong dumating. Ang tagal ng pasalubong ng kaibigan galing sa land na sabi nila eh may greener pasture daw. Oh well, hindi ko pa naman nawawala ang patience ko. Marami ako niyan, mind you.
Jus Mio
July 12, 2009I saw something that made me remember a dream. Haha. I can’t help but smile and laugh and be anxious about it. The uncomfortability of it all. Haha. I’ll consider it as my FOTW (Flavor of the week) dream. And if there’s one word to describe it: Sigh high high.
Gusto ko makita si Freud para personal niyang ipaliwanag sa akin ang relasyon ng panaginip at ng katotohanan. Haha.
About
Light strikes
Latest Comments
- happypillchoker: maganda sa wordpress although limited...
- jonnell: sabi nga nila stefan, may...
- jonnell: oo nga naman. :D at...
- happypillchoker: nasa screen din naman ang...
- livefatdieyoung: True....
Feed here
- Indonesia Furniture Handicraft Wholesale Marketplace:
I admire what you have done here, as well as share good stuff with good ideas and concepts
- livefatdieyoung:
Philippines Lover, thank you for taking time to read this blog
- Philippines Lover:
I’ve not been in the Philippines for long but its clear to me it’s an amazing area. But anyway, I just wanted to stop by because I’m browsing blogs about filipino life and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do when in Manila then I would really love to hear them. Happy Holy Week!
- Bats:
nye, antagal na nung mga post na yun sa blog ko, ngayon ko nga lang nabasa comment mo eh. haha.
- livefatdieyoung:
Hindi ko naman iniignore ano
)
- Bats:
nyeh, antagal na nitong comment na to eh. haha. oi, ni-snob mo naman ako sa multiply. dami ko pics na kinomentan eh. haha! :p
- livefatdieyoung:
Bats! Cool and clean, eh? =))
- Bats:
i <3 the new look
- livefatdieyoung:
:)
- happypillchoker:
:D
- livefatdieyoung:
UH?
- support:
Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.
- support:
Hi! Your shoutbox is working fine!



